Ang magkaroon ka ng isang tunay na pamilya na may pagmamahalan ay napakalaking nang kayamanan na maituturing … Ang pagmamahal ng isang pamilya ay puwede mong matagpuan kahit sa hindi mo kadugo. Pero minsan kahit kadugo mo o kapamilya mo, sila pa ang umaaboso sa iyo.
Ang pamilya na iyong kinabibilangan ang huhubog ng iyong pagkatao, sabi nga ” kung ano ang iyong tinanim, iyon ang iyong aanihin“(Kung may itinanim may aanihin) parang ako lang may kasabihan ‘yan ah! Isa lang ang nais iparating sa akin ng kasabihang iyan, kung pinunla mo sa iyong mga anak ang pagmamahal at respeto, ibabalik nila ito sa ‘yo! Napakalaki ng gampanin ng pamilya sa bawat isa sa atin, aminin man natin o hindi ang bawat gawi, pananalita, at ugali natin ay base sa pamilya nating nakagisnan.
Hindi mahirap sabihin na ang isang tao ay mas makasusulong sa buhay kung nagmula siya sa tahanang may pagmamahalan at suporta. Maraming tao ang nagtatagumpay pa rin bagama’t di-gaanong-maganda ang sitwasyon ng pamilyang kanilang pinagmulan, ngunit ang matugunan ang ating mga pangunahing pangangailangan, mabatid na mahal tayo ng ating mga magulang at matuto ng mga aral sa buhay sa tahanan ang mas nagpapadali sa pagharap natin sa mga hamon sa araw-araw nating buhay. Maaaring kapag nasa hustong gulang ka na ay nais mo ng masayang tahanan para sa iyong pamilya.
Hindi ito nagkataon lamang. Binuo tayo ng Diyos sa mga pamilya nang sa gayon lumaki tayo nang maligaya at ligtas, at upang matuto tayong lubos na mahalin ang iba—ang susi sa tunay na kagalakan. Sa pamilya pinakamabisang natututuhan ang pagmamahal na gaya ng pagmamahal ng Ama sa Langit sa bawat isa sa atin.
Narito ang Simbahan ng Diyos upang tulungan ang mga pamilya na magtamo ng mga walang-hanggang pagpapala. Naniniwala kami na ang pinakadakilang pagpapalang ibinigay Niya sa atin ay ang kakayahang makabalik sa piling Niya sa langit kasama ang ating pamilya. Sinusunod namin ang kalooban ng ating Ama sa Langit dahil sa ganyan namin natatamo ang pagpapalang ito.
No comments:
Post a Comment